PAGIGING TAO O PAGIGING MAKATAO?
Alin nga ba ang mas madali? Ang pagiging tao o makatao? Maraming bagay ang ikokonsidera kung alin nga ba para sa akin ang mas madali, ang pagiging tao o ang pagiging makatao? Buong buhay ko, lagi kong ikinokonsidera na ang pagiging makatao ang mas madali sapagkat sanay na sanay akong nakikisalamuha sa iba ngunit sa mga nagdaang buwan tila ba ang hirap nang makisalamuha sa mga hindi mo gaano kakilala na umabot ako sa puntong naginh peke ang dahilan ko sa pagtulong. Ngayon masasabi kong mas madali ang pagiging tao, bakit? dahil ang pagiging makatao ay minsan nang nagpaubos sa akin. May mga oras na ang pagtulong ko sa iba ay nagiging dahilan ng pagod. Ang pagiging tao ay madali sapagka't tayo ay nalikha na, hindi na natin kailangang kuwestiyunin kung tayo nga ba ay totoo. Hindi tulad ng pagiging makatao, minsan makukuwestiyon mo sa iyong sarili kung totoo nga ba ang pagiging makatao mo tungo sa iba, o totoo nga ba ang pagiging makatao sa iyo ng iba. May magandang epekto ...