Ang Matalik Kong Kaibigan

ANG MATALIK KONG KAIBIGAN 



    Kaibigan, kapag ito'y nababanggit meron talagang mga taong pumapasok sa isip natin. Ang pagkakaroon ng taong kasama mo sa tuwing ika'y nagiisa, at sa pagtahak ng mga pagsubok sa buhay ay isa sa mga gusto ng bawa't isa. Ika nga nila ang isang kaibigan ay nariyan kung ikaw ay na ngangailangan. Madami akong kaibigan na pwedeng ipagmalaki sa buong mundo ngunit may nagiisa talagang kaibigan na iyong pinakamatalik, kasama mo sa kasiyahan, kadramahan at higit sa lahat ay yung todong sumusuporta sayo at kaya kang pangaralan.


Sa lahat ng naging kaibigan ko may isang tao akong pinagkakatiwalaan sa lahat. Nakakacringe mang pakinggan pero mahal na mahal ko tong babaeng to. Isa siya sa taong nakakaintindi saken, kung kalokohan man ang paguusapan siya agad ang naiisip ko. Lagi akong naaliw kapag kasama siya. Minsan napapatanong ako na bat ngayon ko lang nakilala tong babaeng to edi sana matagal na akong di napagtaksilan ng mga dati kong kaibigan.


Si Julie Anne, sa lahat ng mga kaibigan ko siya ang nakakasundo ko at nalalapitan ko kapag may problema. New student siya sa school nung nagka kilala kami, first impression namin sa isa't isa ay di gaano kaganda. Naalala ko pa noong una ko siyang nilapitan ay nung nagtanong ako kung kailan kaarawan niya para sa activity. Sabay kaming umuwi nun tapos di ko inakalang sa gabing yun dun na magsisimula ang pagkakaibigan namin. Isa sa di ko malilimutang lakad namin na kami lang dalawa ay nung pumunta kami sa Ayala kahit saan nalang kami napadpad nun kain lang ng kain. Naalala kong niregaluhan ko siya ng sapatos at binigay niya sakin ang paburito niyang tshirt, cringe pakinggan ngunit sabi niya para daw di namin malilimutan ang isa't isa lalo na't malabo nang magkaschoolmates kasi lilipat na siya ng ibang skwelahan.


sa halos isa't kalahating taon na pagiging mag-kaibigan namin parang tinuring ko na rin siyang parte ng pamilya ko. Nuon di ako gaano magaling magdecision ng bagay-bagay pero nung nakilala ko siya tinuruan niya ako kung pano ang tama at mali. Di man siya kagaya ng ibang kaibigan na mayaman, maganda, lagi kang spinospoil. Di naman siya nagkulang sa pagiging isang tunay at maaasahang matalik na kaibigan. 












Comments

Popular posts from this blog

GENDER INEQUALITY

SACSAYHUAMAN (PERU)

Advocacy Framework --- Saint Francis of Assisi Parish