PRODUKSIYON AT KONSUMPSIYON
PRODUKSIYON AT KONSUMPSIYON Pera, Produkto, at marami pang iba. Ano nga ba ang dulot nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay? Masasabi kaya natin na kapag tayo’y nagkulang ng mga bagay na ito, makakaahon kaya tayo sa buhay? iyan lamang ang isa sa mga katanungang umiiral sa isip ko habang pinapanood ang video na ibinigay. Di natin maikakaila na ang pera ay naging malaking bahagi na ng buhay natin sa kung saan nabibili natin ang madalas na mga pangangailangan upang mabuhay. Sa panahon ngayon nahahati ang mga tao batay sa estado ng kanilang buhay, ang kapos at may kaya. Batay sa video na aking napanood, ang pag-aani ng abaka ay isa sa mga puhunan ng mga taong naninirahan sa isang sitio ng Sarangani. Masasabi mo agad na mahirap ang kanilang pamumuhay na dinaranas. Konting kita sa pag aani ng abaka, kamoteng kahoy ang madalas na kinakain kapag konti ang ani, at mga batang nagkakaroon ng malnutrisyon dahil sa kaku...