PRODUKSIYON AT KONSUMPSIYON
PRODUKSIYON AT KONSUMPSIYON
Pera, Produkto, at marami pang iba. Ano nga ba ang dulot nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay? Masasabi kaya natin na kapag tayo’y nagkulang ng mga bagay na ito, makakaahon kaya tayo sa buhay? iyan lamang ang isa sa mga katanungang umiiral sa isip ko habang pinapanood ang video na ibinigay.
Di natin maikakaila na ang pera ay naging malaking bahagi na ng buhay natin sa kung saan nabibili natin ang madalas na mga pangangailangan upang mabuhay. Sa panahon ngayon nahahati ang mga tao batay sa estado ng kanilang buhay, ang kapos at may kaya. Batay sa video na aking napanood, ang pag-aani ng abaka ay isa sa mga puhunan ng mga taong naninirahan sa isang sitio ng Sarangani. Masasabi mo agad na mahirap ang kanilang pamumuhay na dinaranas. Konting kita sa pag aani ng abaka, kamoteng kahoy ang madalas na kinakain kapag konti ang ani, at mga batang nagkakaroon ng malnutrisyon dahil sa kakulangan ng mga masustansyang pagkain partikular na ang mga pagkaing may protein. Lahat ng yan ay isa lang sa mga kinakaharap nilang mga problema.
Habang pinapanood ko ang dokumentaryo, andami kong natutunan at nalaman sa kung paano mamuhay ang mga taong kapos at kung gaano nga kahalaga ang pera para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Inilahad din doon na nagbubunga lamang ang abaka sa mga lugar na kung saan may maraming tubig itong nasisipsip para ito’y mamunga, ngunit ang bundok na kanilang tinitirhan ay halos nakakalbo na at dumadagdag itong problema sa kanilang pang hanapbuhay. Bilang isang mag-aaral, at mamamayan na nagkaroon ng benepisyo sa kanilang pag-aani, tanging magagawa ko lang ay iwasan ang mga bagay na nakakapag pakalbo sa mga bundok na kanilang pwede pagkakitaan. Manghikayat ng mga mas nakakatanda sa akin na tumulong at magkaisa.
Importanteng bigyan natin ng pansin ang mga kapwa natin na naghihirap sa buhay. Matuto tayong lahat sa kung paano gamitin ang perang ating kinikita sapagkat ika nga nila.Ang pera ay ang nagpapaikot sa mundo.
https://matichub.com/2019/08/05/philippine-abaca/ |
https://www.mindanews.com/abaca-farming-in-surigao-sur-6/ |
Comments
Post a Comment