GENDER INEQUALITY
ANG PAGKAPANTAY-PANTAY
Ang gender inequality ay matagal nang isyu hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Karamihan sa atin ang nakakaalam na ng isyu na ito ngunit binabalewala sapagkat ito'y "hindi" gaano kalalim kumpara sa ibang isyung kinakaharap ng Pilipinas.
Ang gender equality ay estado na kung saan ang pagkakaroon ng access sa mga karapatan o pagkakataon ay hindi naaapektuhan ng kasarian nino man. Ang ekwalidad sa kasarian ay hindi nangangahulugan na ang mga babae at lalaki ay dapat magkaroon ng EKSAKTONG pinagkukunan ng oppurtunidad, ibig nitong ibahagi ay hindi nakabase sa kung ano mang kasarian—mapababae, lalake, transgender—ang pagkakaroon ng responsibilidad at oppurtunidad. Malinaw na para maging totoo ang pagkakaroon ng gender equality para sa lahat, ang responsibilidad na kumilos upang mabawasan ang "inequality" ay dapat na pinapaabot sa matataas na sektor ng gobyerno upang gawan ito ng paraan at suportahan. Ang bawat tao'y nararapat na mamuhay nang pantay-pantay. Ang hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian ay isang anyo ng makasaysayang kawalang-katarungan. Mayroon tayong mga organisasyong lumalaban parin para sa karapatang pantao at pagkakapantay-pantay ng kasarian, ito'y binuo upang bawasan ang kawalan ng katarungan ng bawa't isa kaya ito'y ating suportahan.
Walang tao ang nararapat sa posisyong mawalan ng karapatan dahil lamang sa kanilang kasarian. Ang lahat ay may karapatan na ipagtanggol at magsalita para sa kanilang mga sarili. Sa mga bata pa lamang, mas mabuting magkaroon ng kaalaman ukol dito upang matutong lumikha ng sarili ninyong kapaligirang lahat ay pantay-pantay. At para naman sa mga nakakaranas ng inekwalidad, hindi masamang umasa na magkakaroon din tayo ng mundong pantay. : ))
luv ur blog! <333 πππ
ReplyDeleteso truee, i hate it when they mention "since you're a girl you should know how to cook well". Like, isn't cooking a skill that EVERYONE should have and learn as we grow older?... Thank you for this article!!
ReplyDeletesuch informative blog! learning about gender equality should be taught at home and at schools! π
ReplyDelete