MENSAHE PARA SA MGA TATAKBONG POLITIKO
Para sa mga tatakbong politiko sa Gobyerno ng Pilipinas,
Isinulat ko ito hindi lang para sa kapakanan ko bilang isang estudyante kundi para na rin sa kapakanan ng buong mamamayan ng Pilipinas. Ngayong nalalapit na ang eleksyon, madami ng pangako ang nailahad, mga politikong nagsasaad ng pagbabago at kaayusan sa lipunan ngunit nanatili pa rin itong puro salita lamang. Bilang mga opisyal na handang manilbihan sa bayan, kaya niyo bang panindigan ang mga pangako at manilbihan sa bayan na bukal sa inyong loob? Maipapangako niyo bang matutulungan niyo ang mamayang Pilipino?
Madaming Pilipino ang naniniwala at umaasa pa rin sa gobyerno, umaasa sa pagbabago at umaasang matutulungan ang mamayan. Hindi na pangako at salita ang kinakailangan ng sambayanan. Kinakailangan namin ng aksyon at solusyon sa kahirapan para matulungan ang mga Pilipinong naghihirap dahil sa panahon ngayon, alam ng mamayan ang puno’t dulo ng problema at mas alam niyo ang mismong problema ng bayan. Sa panahong nakaupo na kayo sa posisyon, tulungan niyo ang mamayan sapagkat Filipinos deserves a better place to live in.
Comments
Post a Comment