PAGBUO NG MISYON
PAGBUO NG MISYON MO SA BUHAY Maraming bagay ang ninanais matupad ng mga taong kagaya ko na ang iniisip lamang ay ang kinabukasan ko at sa lahat. Lahat ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay, ika nga nila libre ang mangarap, kaya mangarap ka sa naaayon sa gusto mo. Isa sa mga nakakahadlang nito ay kung paano mo nga ba ito mabubuo? Makakaya mo ba itong mabuo? Ang pangarap natin ay ang nagsisilbing inspirasyon para tayo'y magpatuloy, maging determinado at magsumikap sa buhay. Hindi natin maikakaila na mahirap itong abutin lalo na't kapag limitado lamang ang oportunidad na naibibigay sa iyo ngunit sa pagsisikap at tiyaga hinding hindi ka magkakamali rito. Upang mabuo ang ating misyon sa buhay, ating ihanda ang ating sarili na humarap ng kahit ano mang pagsubok upang makamit ito sapagkat sarili mo lang ang maaasahan mo sa mga pagkakataong iyon. Napapansin mo ba na palagi tayong hinihingkayat ng mga taong nak...