PAGBUO NG MISYON

PAGBUO NG MISYON MO SA BUHAY

       Maraming bagay ang ninanais matupad ng mga taong kagaya ko na ang iniisip lamang ay ang kinabukasan ko at sa lahat. Lahat ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay, ika nga nila libre ang mangarap, kaya mangarap ka sa naaayon sa gusto mo. Isa sa mga nakakahadlang nito ay kung paano mo nga ba ito mabubuo? Makakaya mo ba itong mabuo?


      Ang pangarap natin ay ang nagsisilbing inspirasyon para tayo'y magpatuloy, maging determinado at magsumikap sa buhay. Hindi natin maikakaila na mahirap itong abutin lalo na't kapag limitado lamang ang oportunidad na naibibigay sa iyo ngunit sa pagsisikap at tiyaga hinding hindi ka magkakamali rito. Upang mabuo ang ating misyon sa buhay, ating ihanda ang ating sarili na humarap ng kahit ano mang pagsubok upang makamit ito sapagkat sarili mo lang ang maaasahan mo sa mga pagkakataong iyon. Napapansin mo ba na  palagi tayong hinihingkayat ng mga taong nakapaligid sa atin na mag-aral ng mabuti? Ito'y dahil sa edukasyon na nagsisilbing simula ng pagbuo ng ating mga misyon sa buhay upang maging handa tayo sa pakikipagsapalaran na nakakapagpa-angat sa atin. 


    Maraming problema at pagsubok ang dadaan kapag ika'y nasa proseso ng pagbuo ng iyong pangarap at misyon sa buhay, ngunit sa sipag at tiyaga posible mo itong mabubuo paunti-unti. Sabayan mo ng tiwala sa iyong sarili siguradong walang makakahadlang sa'yo dahil ika nga nila "You have to live the mission, love what you do." 




      

Comments

Popular posts from this blog

GENDER INEQUALITY

SACSAYHUAMAN (PERU)

Advocacy Framework --- Saint Francis of Assisi Parish