OPEN LETTER

 Para sa mga lider ng Pilipinas, 

   Ako'y isang estudyante na naghahangad lamang ng pagbabago at magandang kinabukasan sa paglaki. Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas, ako'y nag-aasam rin ng pag-unlad ng ating bansa. Magagawa lamang ito kung pakikinggan niyo ang mga mamamayan, lalo na sa mga kabataan. 


  Kapansin-pansin ang mga problema sa iba't ibang sektor ng bansa natin. Lalo na sa sektor ng pang-agrikultura, kakulangan sa kapital at programang maaring makakatulong sa mga nagmamay-ari ng sakahan at mas lalong kulang sa suporta ng gobyerno ang ating mga magsasaka. Ang isa sa mga solusyon ay magbigay ng mga kagamitang pang imprastraktura at gumawa ng konkretong programa na kung saan tuturuan ang ating mga magsasaka kung paano gumamit ng makabagong teknolohiya at magtakda ng presyong naaayon sa kung magkano man ang mga produktong pang-agrikultura. Isa lang 'yan sa mga maari niyong masasaksihan na mga problema. 'Di pa rin natin maikakaila na madami pa tayong mga problema sa iba't ibang sektor, masosolusyunan lamang ito kapag may maayos na gobyerno ang Pilipinas at ito'y sana maging dahilan ng pagmulat ng inyong mga mata na marami pa rin sa mga Pilipino ang naghihirap bumangon dahil sa kakawalan ng oportunidad. Hindi man ito agad masosolusyunan ngunit nagsisimula ang pagbabago sa pakikinig at paggawa ng aksyon. 


   Ako'y sumusulat sa walang ibang kadahilanan kundi para sa pagbabago at pag-unlad ng bansa lamang. Naniniwala akong sa paraan ng pasulat, titindig pa rin ang mga Pilipino para sa bayan. Lagi't lagi, para sa pagbabago at kaunlaran. Lagi't lagi, para sa Pilipinas.

Comments

Popular posts from this blog

GENDER INEQUALITY

SACSAYHUAMAN (PERU)

Advocacy Framework --- Saint Francis of Assisi Parish